Tuesday, April 18, 2017

Si Misis at si Kabet, Nahuli ni Mister na nagse-SEX sa Marijuana Plantation

Kahit daw nagtaksil si Misis ay ready pa rin si Mister na patawarin si Misis kahit nakipagtanan pa eto sa isang marijuana cultivator sa Santol, La union.
Sa panayam ng isang himpilan kay 46y/o na mister na si Freddie Lagawen, kung kusang babalik din si misis sa kanyang maiinit na yakap at hihingi ng patawad ang asawa nyang si Nora ay tatangapin pa niya eto. 

Mahirap daw kasi po buhay sa bundok kaya naisipan ni Madam Nora na iwan sya at sumama sa Hari ng MJ na si Rufino Lagadeo, 46y/o ng Barangay Badeo, Kibungan, Benguet. Syempre, may pera na daw, High ka pa! ika nga! :) 

Pero, syempre nainsulto si Mister kaya tuloy pa rin ang kasong Adultery laban kay Madam Nora... ano yun? TY na lang? Patawad kaagad? Syempre, Kaso kaso din muna pag may time! 

Eto, nag kwento si mister kung paano daw sila naghanap kasama ng mga superherong mga pulis... ganito daw...

Pinauna daw si Mister ng mga pulis papunta ng bundok na pinagtataguan ng MJ KING at si Misis, eh matalas ang pang amoy ni Mister kaya na-ispotan (spot) nya kagad si Misis at MJ KING mismong nagtatalik sa Marijuana Plantation. Nakatunog si Misis at si MJ KING na may paparating na panganib sa kanila kaya sabay daw silang nagtaas ng salawal at biglang tumakbo patakas palayo...
Eh syempre, hindi naman si Misis target ng mga pulis ngayon, small time si misis eh, yung Marijuana na pinakisditehan. Worth 9M na marijuana ang sinunog tapos nung lumakas tama nila ay pinagtripan na lang nila eto at sinira... ewan ko ba kung bakit kelangan talaga nila etong sunugin kung pwede namang  sirain kagad. 

Ang plantation ay nasa a boundary ng bulubunduking bahagi ng Barangay Sapdaan, Santol, La Union at Barangay Mocgao, Kibungan, Benguet. Pasyalan na lang natin baka may natitira pa, trip ko rin himithit eh...
Ganda rin ano... yung plano sanang paghahanap sa taksil na asawa eh may mas magandang nadiskobre... isang ektarya langit ang nadiskobre ng pulisya kaso sinira din nila.

Maliban sa adultery na kasong isasampa nila, sasampahan rin nila ng kaso ang may ari ng lupa, kasong paglabag sa Comprehensive on Dangerous Drugs Act of 2002 o Republic Act 9165 at illegal possession of ammunition laban sa mga suspek dahil sa paggawa ng Langit sa bundok habang may hawak na mga baril.

source: http://www.bomboradyo.com/misis-kalaguyo-nakita-ng-mister-na-nagtatalik-sa-nadiskobreng-marijuana-plantation/

No comments:

Post a Comment

La Union's Operation Tuli: HOLDS A RECORD OF 700 patients in 1 hour!

 OPERATION TULI:  A Doctor, Law Graduate, and a reelected Honorable City Councillor of San Fernando, La Union Jessie Miranda aims to be th...

Popular Post